Nega-epeks ng Media and some modern technos, corrected!
Nanunuod ang isang average na tao ng telebisyon kada araw ng 4 na oras o kaya nama’y 28 hours sa loob ng isang linggo. At minimum na isang oras sa internet o 30 hours kada buwan. Dahil doon, maraming nakukuhang impluwensya ang nanonood o nag-iinternet mula sa media.
Dati pinapatigas ang mga damit gamit ng almerol pero ngayon, kapag tinanong kita sa kung ano ang ginagamit para mapalambot ang mga damit, sasabihin mong Downy imbis na fabric conditioner. Bakit? Kasi nga, ito ang itinuro na sayo ng media.
Hindi pinalampas ng media ang mga batang manonood.
Hindi maipagkakailang wala nang bata ngayon ang di nakapanood ng produkto ng Walt Disney. Nakalimutan na ang sariling atin tulad ng Batibot, Mathinik, Siniskwela, atbp. na nagtuturo pa nga ng mga araling pang eskwela. Teka, oo nga naman, mayroon naman kasing Dora the Explorer, Blue’s Clues, at Sesame Street. Hay, anu na namang tinuro sayo ng media? Colonial Mentality. E pati sarili nating wika nakalimutan mo na e.
Naalala ko tuloy ang kwento ng teacher namin nung high school.
May estudyante raw syang napaka slang at galling mag ingles. Limang taong gulang pa lamang raw yun e pero kung minsan, sa sobrang slang nung bata at galling mag ingles, kahit sya na professor sa kolehiyo ng asignaturang ingles ay di na maintindihan ang mga sinasabi nya. Naisip nya na baka kasi mga propesyonal ang mga magulang nito o kaya naman ay poriner. Pinapunta nya ang mga magulang nito at laking gulat nya ng makita na ang kanyang ama ay isang construction worker, at ang kanyang ina ay isang plain house wife na tapos ng high school! Hindi ko minamaliit ang mga gawain nila, pero, hello?! Mai-imagine mo bang magsipag inglisan ang mga yon sa loob bahay bilang regular na pag-uusap?
Tinanong nya ang bata at dito nya nalamang ito ay dahil sa kapapanood nya ng Spongebob Squarepants. Sponghang nagsasalita sa ilalim ng dagat at nakatira sa isang hugis-pinyang bahay.
Tsk.
Oo nga naman, naka translate na rin mga nick cartoons sa filipino ngayon.
Hindi rin nakatakas mga teenagers or adults sa media.
Anong itinuro ng media sa kanila?
San ba nakuha ng mga yan ang pagiging emo at liberate, illiterate, injustice, at unrighteous? Tumingin ka sa internet, sa telebisyon, kahit making ka lang sa radio, halos puro ka-imuhan at kung anu-ano nalang ang itinuturo. Magpakamatay daw, mag laslas, magalit nang magalit sa mundo kaya puro angst kabataan ngayon e, mag droga, makipag talik, mag rebelde, mag-away, maging makasirili, maging salot sa lipunan, magsinungaling, mambastos at maging bastos, mag mura, malungkot nang walang dahilan, maging tamad, maging pabaya, sumuko sa buhay, mag-ingay, manggulo, bumuo ng sariling pangalan na hindi naman katuwatuwa, magbigay ng lagay sa gobyerno or bribes, pati ibahin ang prinsipyo mo nagagawa nila, at marami pang iba.
Sa internet nalang, para kang mamamatay pag hindi mo na harvest yung tinanim mo sa Farm Ville nung isang araw e. sabihih mo nga, sino bang boss? Ikaw? O ang internet?
Sabi naman nang isang awitin, “one twenty one guns, throw up your arms give up the fight, you and I...” ayan, yayayain ka pang sumuko sa buhay nitong vocalist na tong may makapal na itim sa mata. Gusto mo nang pakamatay at sumuko? Mag-isa ka! Wag ka nang magsama ng iba! Biset!
Meron pang, “…you’ve got yours I’ve got mine I think I’m losing my mind, but why do I feel this way?” Ito namang isang ‘to, alam na palang taken na silang pareho, nag lulumandi pa. Ano naman turo nya? Adultery raw pwede. Aysus! Sasabihin pa nya, “…Catch me, I’m falling for you..” muka mo! Manahimik ka na lang dyan sa jowa mo!
Meron namang maganda nga ang lyrics itinago naman ni Satanas yung hidden agenda sa mismong spirit ng kanta. Oo, lahat ng musika ay may spirit. May laman. Kaya di mo man intensyong sundin ang mga sinasabi nila sa awitin, unconsciously, ginagawa mo na pala. Tsk. Disaster.
Halimbawa nalang nitong kantang ‘to na ginamit pa sa isang teeny-bopper film na High School Musical, “This could be the start of something new and it feels so right to be here with you…” oo, wala talagang mali sa lyrics nyan pero after backmasking, ito na narinig ko, “make us sluts, make us sluts, make us sluts… we want, we want, we want”. Hala! Anu raw?! Ano ba yan, parang wala talagang takas sa plano ni Satanas e! (pumatay, magnakaw, at sumira).
Meron din namang matitinong awitin. Don’t worry, di naman kita pinag babawalang making ng musika e. Importanteng isa alang-alang ang sumusunod:
1. Artist’s background, baka naman halata namang may pagka demonyo na itsura palang ng artist e, sige kinig ka pa din ng kanta nya!?
2. The song lyrics, tignan mo word by word kasi madalas mayos yung iba pero isang negative line lang na ipapasok sa kanta, the spirit maiiba na lahat! Tapos meron pang naiintindihan mo yung lyrics pero yung sense parang wala, hah! May ibang mensahe na yun! (i.e., Overdrive by Eraserheads)
3. The melody, pag masyadong maingay at di mo na halos maintindihan yung sinasabi, sigurado yun pre, may iba nang gustong ipasok ang kanta sa isip mo.
Konting help din sayo, based from a graduate of Conservatory of Music at a prominent school said that, “Nagsimula ang mga bad-spirited musics na yan sa genre na Rock.” Ibig sabihin tsong, madalas sa rock musics makikita mga kantang dapat iwasang pakinggan. Simple logic. pero ingat din, matalino rin si Satanas, wag mong maliitin, pa improve nang pa impove tactics nyan makuha ka lang. Satanas: “Bwahahahah!”
Ako: “Greater is God who is in me than Satan that who is in the world”.
Isa pang media technique ay mga lovestories.
Akala mo siguro, lovestory lang naman to, light movie lang. yun ang akala mo!
Itinuturo ng mga lovestories na napapanuod o nababasa mo ngayon ang sumusunod:
1. Instant relationship; text, chat, etc.
2. Adultery
3. Sex without marriage / fornication / unwanted pregnancies
4. Same sex relationship
5. ‘love is a game’ principle (love game by lady gaga)
6. Rebellion against the family or the parents
7. Undignified treatment with each other’s body such as dirty sex (bj / hj)
8. Multiple-relationships (3 by Britney Spears)
9. Divorce / Annulment
10. Self-seeking love
At marami pang iba. Hindi naman yan ang tunay na meaning o lessons ng love e.
SEX = LOVE
Meron pang nag tuturo ng pagka-inlove ng tao sa halimaw! Tama ba namang mainlove tao sa bampira? At umibig sa taong nagiging aso sa hating gabi? Walangjo naman o.
Di ko sinasabing wag magbasa ng Twilight Saga Books o manood ng movies nito, ako rin kase nagbabasa rin naman for entertainment reasons / purposes, ang sinasabi ko lang, wag mong dalhin sa reality, neng at wag maniwala. Ask God for guidance and protection against these materials.
Tsk. Dami tuloy naliligaw ng landas. Tanging guide for true and righteous love ay si God. Read the Bible, man’s manual yun e. tsk. Daming di alam to a, maswerte ka’t nabasa mo ‘to. saka mag pray na gabayan ka nya sa pagtahak mo sa landas ng pag-ibig.
Ito ang tama when it comes to love, God’s way:
1. Kung single ka, ito ang mg dapat tandaan,
a. Courtship / ligawan stage – means getting to know each other stage, lalong wala muna dapat physical attachment na unnecessary, nagliligawan pa nga lang e. Dito rin malalaman kung compatible ang dalawa o sila ba talaga ang nasa plano ni God.
b. Dating stage – meaning, nasa second level na kayo ng courtship, pero ligawan padin yun! No unnecessary physical attachments paren. Di tuald ng mga artista o mga pinapakitang example sa media na “exclusively dating” lang, e nag ki-kiss at hug na!
c. Kapag may nagsabi sayo nang, “Ikaw, ang sinabi ng Lord na para sakin, tayo para sa isa’t-isa…” di totoo yun kasi, kung sinabi talaga ng Lord yun, bakit sayo hindi sinabi? Simple Logic. Kung kayo talaga, dapat pareho kayong sinabihan ni Lord! XD Di tayo ang gagawa ng paraan para maging tayo ng mga taong gusto natin, kasi pag nangyari yun, ‘di rin magiging masaya at di magtatagal, hindi talaga! Dapat si God magtalaga.
d. Di rin acceptable ang pag fe-first move ng mga babae sa lalake. Sa Bible parin tayo ba base, sino bang unang nilikha? Diba si Adan? At si Eba? BINIGAY SIYA NI LORD KAY ADAN. Eto pa, diba pinatulog ni Lord si Adan at hinugot mula sa kanyang tadyang si Eba, ang tanong, ginising ba ni Eba si Adan? XD wasak!
Kaya, girls, WAG GISINGIN SI ADAN! Kung talagang gusto mo ang guy, PRAY! AND WAIT! tapos boys, MAGSITULOG KAYO! May nilaan si Lord para sayo, kung di mo seseryosohin, wag mong umpisahan, di laro ang love! MAGHINTAY RIN! IBIBIGAY NI LORD SAYO ANG BABAENG DAPAT SAYO . Hanapin ang kalooban NYA. Okay?
2. Kung in a relationship naman,
a. Boyfriend-Girlfriend Stage – kayo na nga, pero di pa kayo mag-asawa! little physical contacts are un avoidable kaya wag pupupunta sa madidilim, sulok, at intimate places na kung saan mati-trigger ang physical attractions... Wag rin naman Public Display of Affections! Respect on the body means respect on the temple of the Holy Spirit. Ang Holy Spirit kasi nananahan sa katawan ng tao kaya respect it.
b. Lagi ring tandaang ang pagiging kayo ay nangangahulugan ng pag-aalaga sa isa’t isa. Ibinigay sya sayo para alagaan mo while hindi pa na mi-meet ng taong yan ang magiging husband or wife nya. (Kaya wag kang kumuha ng aalagaan mo kung di mo pa nga kayang alagaan ang sarili mo. Simple Logic ulit). Wala dapat intimacy between you and your ka-relasyon dahil hindi mo masisigurong sya nga ang future mo at ikaw sa kanya. Gets?
Help each other to be pure, holy, and acceptable sa paningin ni God pag dumating na ang panahong haharap na sya o ikaw sa dambana.
E kung kayo talaga til the end e mas maganda. atleast na-reserve nyo isa’t isa para sa future, better days, at rightful times, for God’s sake and your selves too.
c. Pero na sayo parin. Dalawa lang naman pag pipilian mo e. God’s Way o yung World’s Way? Tandaan mo, si Satanas ang god of this world. The choice is ours.
“Life is a series of Choices, not a series of Chances.” Once a choice was made, you should know the consequences. Bihira nabibigyan ng Chances…
Pasensya ka na a, kung inaantay mo ang for married guidelines, wala e. Nasa 2nd stage palang kasi ako . (ayii.) Pero read the Bible, andun lahat yun . Isa lang alam ko, allowed na physical attachments basta’t sa asawa mo lang at sa asawa mo lang, at sa asawa mo lang. In short, isang tao lang.
Pati online games at video games di pinalampas.
Sa amerika, may isang anim na taong gulang na batang lalake ang itinakas and sasakyan ng kanyang ama noong madaling araw, minaneho ng walong kilometro sa kalsada, at ibinangga bandang huli sa isang puno! Nang kausapin siya ng mga pulis at tanungin kung papaano sya natutong mag magmaneho’t gawin ito, isa lamang ang sinagot nya, sa Grand Theft Auto daw. Isang video game kung saan, mag nanakaw ang player ng mga magagarang kotse at papatay, mang gagahasa at mananagasa makuha lang ang gusto. Ano ba namang laro yan?! Parang Tekken lang e. tuturuan ang bata pano manapak, manipa, at kung anu-ano pang kabayolentihan sa mundo! Tsk. Kaya pala yung pamangkin ko pag nabubugnot nanghahampas at nambabato. Wasak!
Pati movies. Yari.
May movies na nagpapakilala ng witchcraft. May school pa nga daw for wizardry e (Harry Potter Series). Meron namang bumabaluktot ng katotohanang itinuturo sa Bibliya, at sisiraan pa si Jesus Christ (The Da Vinci Code). Tapos yun nga, yung may mga bampira (Twilight Saga). Marami pa. Maging mapanuri. Di sa ‘video effects’, ‘sound effects’, pati pagakakadirek o kung anu-ano pang teknikal na usapan, kundi sa kung ano ang purpose at mensahe at hidden agendas ng pelikula. Mas mahalaga ang epektong naidudulot ng mga bagay sa loob kaysa sa panlabas o panumandalian mong ikaliligaya. Humingi ka ng keen discernment kay God para malaman mo agad kung may mali sa pinapanood mo o wala. Okay lang manood, basta alam mo kung ano totoo at dapat mong paniwalaan.
“Wrong information’s always shown by the media…”, sabi pa nga ni Apl de Ap ng Black Eyed Peas, diba?
Mabuti naman ang media at teknolohiya e. Depende kung anong purpose. Dapat umiikot lang dito yan:
1. Inform
2. Entertain
3. Inspire / help
4. Educate
5. Share / broadcast
6. Positively economic purposes
7. Easier life / better life / faster jobs
-END-
Ayun. Leave comments and suggestions I’m open for all insights.FB account ko XD stritfuds@yahoo.com
Tune in to 702 DZAS for wholesome but enjoyable music and discussions on AM Radio, and check channel 33, Manila line, to watch positive mind-setting segments and programs.
DREAM positive. THINK positive. DO positive. BE positive.
01.01.2010 / 01:25 pm
Sunday, January 3, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)