Nung mga oras na bumalik si wolf at kinausap ako, 'di ako namili.
Wala na talaga 'yung dating nararamdaman ko para sa kanya... totoo nga, nanlalamig din ang pagsinta. natutunan ko nang wala siya kaya di na naging mahirap sa akin ang pakawalan siya. Matagal ko nang nagawa 'yun nung umalis siya. Wala rin naman siyang sinabing antayin ko siya pero ginawa ko 'yun ng halos kalahating taon. Nainip na ko kaya nagbukas na ako ng pinto para sa iba.
Bigla namang dating ni ö.
Wala akong dahilan para tanggihan siya kasi gusto ko naman din siya at the first place. Malinaw namana ang gusto namin nung umpisa, FRIENDSHIP. Pero ngayon parang unti-unting naiiba. Ewan.
Motto namin nga e, "Marami pang pwedeng mangyari". Ginagalang namin ang oras. di kami nagmamadali.
Pero ang di ko inaasahan ay ang paglayo niya. Pakiramdam ko kasi di ito pansamantala... Kahit na sinabi niyang "Di na MUNA ako magtetext, tutal di rin naman siya nagtetext sayo diba?" Umo-o lang ako pero di ko naintindihan yung essence ng mga sinabi niya. Di ko naitanong. Bigla nalang nanlamig siya, pagkatapos noon.
Iniisip ko kung inaalala niya ang pagiging magkaibigan nila ni wof kaya ganoon. Matagal na silang magkaibigan. Magkaibigan na bago ko pa sila makilala. Di ko rin naman gugustuhin kung masira ang pagkakaibigan nila, pero di ko rin ata kakayanin ang lumayo siya nang bigla.
Hanggang kelan ba ganito? Hanggang kailan ko kaya hihintayin na naman ang 'pagbabalik'? Paano kung mahuli na naman ang lahat? Kung siya rin naman ayokong mahuli ang lahat. sana di pa huli ang lahat. pero, kailan?
Nabanggit ko kay ö na sa November e sasagutin na si wolf ng nililigawan niya. Hindi kaya 'yun ang tyinityempuhan niya? yung panahong siguradong may nag mamay-ari na kay wolf? Sana. kasi august na nagyon, malapit na rin yun. hehe :)
Wala naman sanang sukuan, ö.
-cheng's confession
No comments:
Post a Comment