noong unang bese pa lang na nakita ko 'yung bituin na 'yun, naisip ko agad, "gusto ko talaga siya".
hindi ko din inakala na aabot sa ganito.
di kasama sa mga pangarap ko ang ilang naganap.
pero anu pang magagawa ko?
una, tapos na.
pangalawa, ayoko nang lumayo pa.
tama bang isipin kong sana ay di ko nalang siya nakita o nakilala o
sana di nalang kami naging malapit sa isa't isa?
hindi ko nga naman makikilala ang 'sakit' na nararamdaman ko ngayon kung nanatili kami sa estadong "di nagkalapit".
pero di ko maiaalis na naging masaya ako.
masaya ako na kasama ko siya.
yung tawa nya
yung ngiti nya
yung titig niya
yung mga biro niya
mga text niya
yung boses niya
lahat.
pero bakit namin hinayaang umabot sa
yung yakap niya
yung mga halik niya
yung pakinggan yung tibok ng puso niya
yung amoy ng pabango niya
yung hiningang tila humihipan sa balat ko?
lahat.
mahirap nang umalis sa ganitong sitwasyon.
sana noon palang.
sana nalaman naming hanggang dito lang pala, noon pa lang
para sana di na ko lumapit pa.
minsan napapaisip ako.
ginamit lang niya siguro ako para sa pansariling kasiyahan niya.
di niya naisip na masakit ang ma-attach sa taong mahal mo ngunit di ka kayang mahalin tulad ng nararamdaman mo para sa kanya.
"gusto ko makadama ng pag aalaga."
sinabi niya yan sakin...
sinagot ko siya ng
"kung alam mo lang kung paanong gustung-gusto kitang alagaan...
pero sa nakikita ko, pinipigilan mo yung mga possibilities."
"natatakot na kong masaktan."
hindi ko lang masabing,
"hindi kita kayang saktan..."
pero nandito na,
kung sino yng nagmamahal ng totoo, siya talaga tong mas nasasaktan.
NASAKTAN NA 'KO.
Hanggang dito nalang.
pinipilit kong hanapin ang lugar ko sayo
gayogn alam ko namang hindi mo gustong maramdaman ang nararamdaman ko sayo.
PINIPIGILAN MO.
nakakapagod palang masaktan.
pst.
alam mo,
mahal na mahal kita.
saka,
ayun ulet.
mahal kita.
saka,
mahal kita.
ayun.
katangahan siyang pakinggan pero umaasa parin akong dadating ang araw na mahuhulog ka din, gaya ng bituin.
at alam mo kung anong gagawin ko?
syempre.
SASALUHIN KITA.
kaya di ako lalayo kahit ang sakit sakit na.
uy, nasabi ko na nga pala ba?
oo nga pala,
MAHAL KITA.
No comments:
Post a Comment