"...at hanggang sa huling ikot ng orasan, magtatama ang dalawang kamay, ngunit di kailanman mananatiling magkasama."
nito lang mga nakaraang mga linggo, hindi mabilang ang tawang umalingasaw sa bibig ko.
Hindi rin mabilang ang mga ngiting napahid sa mga labi naming mga kaibigan ko sa church.
Naisip ko, "ang saya pala."
makakailang album narin siguro ako ng mga alala naming, may tawang wagas at ngiting tagumpay, sa twing malulungkot siguro ako ay sisilipin ko.
natakot tuloy ako.
kase nasa gulong padin ako.
minsan masaya yan minsan hindi.
pagkatapos ng saya, dadating na naman ang lumbay.
natakot tuloy ako.
naisip ko ulet, "pwede ba hanggang dito nalang ako? ayoko na nung susunod e..."
ayan na nga.
ginulat na ko. di manlang nagsabi na dadating na siya, e nahihimbing pa ko sa kaligayahang walang humpay namin.
ipinaalala sa aming may mga limitasyon ang lahat.
at sa bansang sinasabi nilang malaya na'y nung mga oras na yun e bakit parang hindi.
sabi pa nga ni Jennylyn Mercado sa movie na Working Girls e, "...parang hindi naman..."
sumabay pa si KWAN.
ang saya saya ko na e.
Cloud 9, pare, maniwala ka.
tapos biglang,
BWAKANANG NAMAAAAN! XC
may kung anung bumulong na naman sa kakarampot kung utak.
"umalis na daw muna."
hala, hala.
takasan ko daw problema ko?
tapos ang paraan e, lumayas. haha
matatawa ba ako o malulungkot?
pasko na nag-iinaso (nag-iinarte) ako dito.
sa labas naririnig ko yung mga kapit bahay namin ngumangalngal sa videoke na nirentahan nila.
parang na tetemp tuloy akong lumabas at maki kanta
kakantahin ko yung paborito kong "Kiss Me".
tapos lahat sila napapa indak, mapapa hampas ng mga kamay, mapapapintig ng mga paa.
pero imagination ko nalang yung part na yun.
humingi nalang ako ng ispageti na pinapapak ng mga KUNGFU dun.
ano yung kungfu? (KUNGFUMULUTAN AY POWTEK!) ayan
kaya lang di ko nagustuhan e.
corn beef ang sinahog sa mahahabang hibla ng harinang minasa at hinulmang parang hibla ng buhok tapos nilagyan ng ketchup at hakdog. nahiya pa ko sa panghihingi. sy3t.
dito naman sa bahay e, katatapos ko lang magmakaawa ng 4 na oras sa kapatid kong, "ako naman mag fb, dali na... (nakanguso pa)"
paglayas niya, check na ako ng mga notipikasyon tapos bati ng "merry christmas c:" sa wall ng ibang nalimutan kong lagyan nung isang araw.
tapos nun, pini-em ko ex ko ng merry christmas, sumama pakiramdam ko't nalito sa Citizenship ko nang saglit nung sagutin niya naman ako ng "feliz navidad." napakanta tuloy ako.
tinatanong mo kung nasaan na yung kapatid ko?
ayun sa likod ko, pumapapak na ren ng ispageting, PARANG AWA MO NA sabay soundtrip ganito o:
NP: "LOSING GRIP" by Avril Lavigne
o diba? pampasko talaga awitin niya.
naisip ko ulet, "baka badtrip din kasi siya."
may namimiss naman ako.
yung tatlong maria.
CHERRYLYN , ALLYSA, KATRINA.
sa Sunday kita kita nalang ule ha. c:
kaw? anu background mo dyan?
e ulam nyo?
handa nyo ngayong pasko?
ang lamig pa.
parang gusto ko tuloy ng yakap. yii! landi ko. hehe
hug mo nga ako, dali na...
pagkatapos nitong blog ko, ita type ko pa pala yung "RULES AND POLICIES" ng youth na iniutos sa aking ipamigay kada youth sa Sunday.
dos pa naman xerox dito sa amin. bundok kase e.
ma, pengeng pampa xerox. praktisado ko na! YEAH!
maisingit ko lang, bakit kaya pag kinakabahan ako najejebs ako?
naalala ko lang kase bago ako mag EMCEE nung Christmas Party nameng Youth nung 22, ee talagang najejebs na ako. ~ nakakahiya wula.
kanina pala nanuod kame ni utol ng chick-flick ang title e, "SHE"S OUT OF MY LEAGUE"
maganda siya. not typical. pag pikit ko nga, nakikita ko padin muka nung bidang babae e.
harujuiceku. nakaka-obit e.
recommend ko panuorin nyo. pramis maganda.
nakailang ihi na ko?
ang lamig talaga ee.
ayun. balik tayo sa issue ko.
ayun nga. malungkot na naman.
siguro kasama na yung pagiging SMP ko, tapos pati naren yung problema namen ng mga katawanang-wagas kong youth.
tapos meron pa e. di ko lang mawari kung ano.
ang hirap maging leader.
lalo na't kung moral mo ang tinitingala.
mapupulaan ka kung di tama ang yong nagagawa.
naman o.
tao lang din ako't isa pa, kabataan. di mo maiaalis sa akin ang sa tingin ko nama'y napagdaanan din naman nilang matatanda. ehem.
hindi. hindi ako galit.
nagpapaliwanag lang. c:
buti nalang may blog.
wala lang. buti lang.
napangiti tuloy ako.
may naalala kase ako ee.
nung mahawakan ko kamay ni KWAN.
ang lamig kase e, tapos nanginginig pa kaming pareho.
wahaha. XD
baliw ako.
baliw sa pag-ibig. ♥
kahit na sobrang lungkot.
masaya naren ako kase may iilan pading nakaka isip na ang diwa nitong araw na 'to e yung kapanganakan nung nagbuwis ng buhay Niya para tayo ay maligtas!
tapos pangalawa nalang si KWAN. hihi
nakakasawa na din ang pag correct ko sa mga ka chat ko sa fb at mga nag wo wall post ng 'x-mas'. sinabi na ngang wag alisin si CHRIST dun e.
asar a.
pero magiging okay din ang lahat.
Think positive (TP) nga raw sabi ni Brian e.
oo naman. saka pray lang. pray.
hooh! kaya ko 'to.
AJA. kasama ko si JESUS sa PUSO ko e.
o siya.
eto nalang sayo o! *APIR!
No comments:
Post a Comment