Wednesday, November 25, 2009

paru-paro

may paru-paro.
gustung-gusto ko sya.
kaya hinuli ko.
ang saya ko nung makuha ko sya.
pakiramdam ko ako na ang pinaka masayang tao sa mundo dahil nahuli ko ang gusto kong paru-paro.

itinago ko sya sa kamay ko.
mahigpit para di sya makawala.
pero nanghina sya.
nasakatan ko sya.
ramdam ko na gusto nya nang makalaya.
pero ayaw ko.
gusto kong hawak ko sya.
masaya akong nahuli ko na sya.

pero nahihirapan na sya.


niluwagan ko ang hawak.
iniisip na makakatulong yun para di sya mahirapan.
di ko padin sya pinakawalan, niluwagan lang.
maya-maya, sya na mismo ang kumawala.
wala na akong nagawa...


tinignan ko sya mula sa malayo.
lumilipad sya ngunit mahinay marahil dahil nagalusan ko na ang maliliit nyang mga pakpak.
panalangin ko nalang na maghilom ito agad.

malaya na sya.
ayaw ko nang maging makasarili.
kung mas masaya syang malaya, magiging masaya rin ako para sa kanya.



kadalasan naaalala ko sya.
ay, hindi. palagi.
di sya nawala sa isip ko.
namimiss ko ang mga panahong akin sya.
pinipilit kong kalimutan dahil ayokong gumawa ng krimen.

pinalaya ko na sya.
wala na akong karapatang angkinin syang muli.

pero masaya ako dahil, hindi sya umiwas.
dumistansya, oo.
malaya parin sya, ngunit di pinagkait ang masilayan sya.

mananatili sya rito sa puso ko.
buhay.
habambuhay.

isa sa mga yaman ko.
ala-ala.

mahal ko siya. pero,

paalam na.

1 comment: