Tuesday, November 17, 2009

two is better than one...daw.

two is better than one daw.
masaya daw kapag dalawa kayo sa buhay. masaya yung may karamay,masaya nga naman yung may kadikit lage, kahawak kamay, katabi lage, kasabay, at may partner.
parang walis ting teng nga naman. mas makapal,mas madaling maka walis.

pag nilalamig ka may yayakap sayo.
pag nalulungkot ka, may makapag papasaya sayo.
pag nag-iisa ka, may sasama sayo.
pag wala kang maka usap, may makikipa-usap sayo.
pag kailanagn mo ng pagmamahal higit pa sa kaibigan, andyan sa para sayo.

marami pa.

kaso parang walis ting teng, the more na makapal, madame, the more the mabigat. ang hirap dalhin.



pag dalawa kayo, hindi nalang sarili mo ang iisipin mo.
kung may desisyon kang gagawin, di langyung sa ikabubuti mo at ng iba iisipin, pati yung idudulot nito sa kanya iisipin mo na ren.

pag dalawa na kayo, mas magastos. oo, litterally.

pag dalawa na kayo, masakit na sa ulo.
parang pag dumami na anak sa isang bahay, masakit na sa ulo.

pag dalawa na kayo, di lang problema mo pasan mo, pati problema ninyo na, minsan pati problema din nya!

marami pa.

two is better than one nga ba talaga?

tignan naman naten yung isang banda.

pag ikaw lang, solo mo buhay mo, solo mo ren problema mo.
pag ikaw lang, tahimik ka, oo, tahimik yung tipong mabibingi ka na sa katahimikan.
pag ikaw lang, walang masyadong bawal, di ka naman matututo.

oo masaya ren ang mag-isa.
malaya e.





pero kahit ano pang sang-ayon mo dito,
pustahan, hinahanap hanap mo paren yung may KASABAY.



minsan kumain ako mag-isa. walang kasabay kahit isa. sabi ko nalang sa sarili ko. "anu ba to, ang lungkot pala."

No comments:

Post a Comment