Sunday, November 29, 2009

blank as in na-blangko

naging mababa pa sa normal ang mga araw mula noon.
patay. tahimik. boring.


pag-uwi ko ng bahay, sinalubong ako ng seryosong pakiusap ni mama.
"Rachelle, gusto kitang makausap saglet."
umupo kaming pareho.
saka sya nagsimula.





"ano bang nangyayari sayo?
Puno ng galit yang mga mata mo..,
di ko na marinig ang tawa mo,
para kang robot na kumikilos at gumagawa,
pero wala kang tunay na buhay.."



nagulat ako nang marinig yun sa kanya.
di ko namalayang ganito na pala ako.
para sa akin, normal naman ako, iba na pala ang naipapakita.


maraming nagbago.
pakiramdam ko, ambagal ng oras.
parang binarena puso ko.
ay. hypothalamus ko pala.
kahit san ako magpunta, may alala nya.
t*ng in*, ang emo ko talaga.
napuno ako ng pagsisisi...

roxanne/may anne (classmates ko): "an lungkot ng mata mo a.."


ahehe. naalala ko lang,

alvin domanais: "..pag tumawa ang yong mata.."

ngumingiti't tumatawa pala ang mga mata.
nakakatuwa naman talaga..


ilang araw palang naman mula noon e.
di pa ako talaga okay.
nagsisinungaling twing magsasabi ng,
"okay ako, okay sya, okay kame."





unti-unti akong bumalik sa eksena.
nakakatitigsi mama saken.
tumitig nalang din ako sa kanya.
di ko kase alam kung ano ang sasabihin.

ramdam kong di lang ako ang nahihirapan.
pati sila na mga nagmamahal sakin, naapektuhan.
pasensya na pokayo. di ko pa ata kaya talagang magng normal, di ako plastik e.
(sabi ko sa sarili ko)


pinanonood ko si mama habang binubunot ang saksakan ng ilaw.
hinatid nya ko sa kama.
parang bigla akong nagising
kung kelan gabi na naman pala.

No comments:

Post a Comment