Friday, December 24, 2010




ngarag.

"...at hanggang sa huling ikot ng orasan, magtatama ang dalawang kamay, ngunit di kailanman mananatiling magkasama."

nito lang mga nakaraang mga linggo, hindi mabilang ang tawang umalingasaw sa bibig ko.
Hindi rin mabilang ang mga ngiting napahid sa mga labi naming mga kaibigan ko sa church.
Naisip ko, "ang saya pala."
makakailang album narin siguro ako ng mga alala naming, may tawang wagas at ngiting tagumpay, sa twing malulungkot siguro ako ay sisilipin ko.

natakot tuloy ako.
kase nasa gulong padin ako.
minsan masaya yan minsan hindi.

pagkatapos ng saya, dadating na naman ang lumbay.
natakot tuloy ako.
naisip ko ulet, "pwede ba hanggang dito nalang ako? ayoko na nung susunod e..."



ayan na nga.
ginulat na ko. di manlang nagsabi na dadating na siya, e nahihimbing pa ko sa kaligayahang walang humpay namin.
ipinaalala sa aming may mga limitasyon ang lahat.
at sa bansang sinasabi nilang malaya na'y nung mga oras na yun e bakit parang hindi.
sabi pa nga ni Jennylyn Mercado sa movie na Working Girls e, "...parang hindi naman..."

sumabay pa si KWAN.
ang saya saya ko na e.
Cloud 9, pare, maniwala ka.
tapos biglang,



BWAKANANG NAMAAAAN! XC


may kung anung bumulong na naman sa kakarampot kung utak.
"umalis na daw muna."

hala, hala.
takasan ko daw problema ko?
tapos ang paraan e, lumayas. haha
matatawa ba ako o malulungkot?


pasko na nag-iinaso (nag-iinarte) ako dito.
sa labas naririnig ko yung mga kapit bahay namin ngumangalngal sa videoke na nirentahan nila.
parang na tetemp tuloy akong lumabas at maki kanta
kakantahin ko yung paborito kong "Kiss Me".
tapos lahat sila napapa indak, mapapa hampas ng mga kamay, mapapapintig ng mga paa.
pero imagination ko nalang yung part na yun.

humingi nalang ako ng ispageti na pinapapak ng mga KUNGFU dun.
ano yung kungfu? (KUNGFUMULUTAN AY POWTEK!) ayan

kaya lang di ko nagustuhan e.
corn beef ang sinahog sa mahahabang hibla ng harinang minasa at hinulmang parang hibla ng buhok tapos nilagyan ng ketchup at hakdog. nahiya pa ko sa panghihingi. sy3t.

dito naman sa bahay e, katatapos ko lang magmakaawa ng 4 na oras sa kapatid kong, "ako naman mag fb, dali na... (nakanguso pa)"
paglayas niya, check na ako ng mga notipikasyon tapos bati ng "merry christmas c:" sa wall ng ibang nalimutan kong lagyan nung isang araw.
tapos nun, pini-em ko ex ko ng merry christmas, sumama pakiramdam ko't nalito sa Citizenship ko nang saglit nung sagutin niya naman ako ng "feliz navidad." napakanta tuloy ako.

tinatanong mo kung nasaan na yung kapatid ko?
ayun sa likod ko, pumapapak na ren ng ispageting, PARANG AWA MO NA sabay soundtrip ganito o:
NP: "LOSING GRIP" by Avril Lavigne
o diba? pampasko talaga awitin niya.
naisip ko ulet, "baka badtrip din kasi siya."

may namimiss naman ako.
yung tatlong maria.
CHERRYLYN , ALLYSA, KATRINA.
sa Sunday kita kita nalang ule ha. c:


kaw? anu background mo dyan?
e ulam nyo?
handa nyo ngayong pasko?


ang lamig pa.
parang gusto ko tuloy ng yakap. yii! landi ko. hehe
hug mo nga ako, dali na...

pagkatapos nitong blog ko, ita type ko pa pala yung "RULES AND POLICIES" ng youth na iniutos sa aking ipamigay kada youth sa Sunday.
dos pa naman xerox dito sa amin. bundok kase e.
ma, pengeng pampa xerox. praktisado ko na! YEAH!

maisingit ko lang, bakit kaya pag kinakabahan ako najejebs ako?
naalala ko lang kase bago ako mag EMCEE nung Christmas Party nameng Youth nung 22, ee talagang najejebs na ako. ~ nakakahiya wula.

kanina pala nanuod kame ni utol ng chick-flick ang title e, "SHE"S OUT OF MY LEAGUE"
maganda siya. not typical. pag pikit ko nga, nakikita ko padin muka nung bidang babae e.
harujuiceku. nakaka-obit e.
recommend ko panuorin nyo. pramis maganda.

nakailang ihi na ko?
ang lamig talaga ee.

ayun. balik tayo sa issue ko.
ayun nga. malungkot na naman.
siguro kasama na yung pagiging SMP ko, tapos pati naren yung problema namen ng mga katawanang-wagas kong youth.
tapos meron pa e. di ko lang mawari kung ano.


ang hirap maging leader.
lalo na't kung moral mo ang tinitingala.
mapupulaan ka kung di tama ang yong nagagawa.
naman o.
tao lang din ako't isa pa, kabataan. di mo maiaalis sa akin ang sa tingin ko nama'y napagdaanan din naman nilang matatanda. ehem.

hindi. hindi ako galit.
nagpapaliwanag lang. c:

buti nalang may blog.
wala lang. buti lang.



napangiti tuloy ako.
may naalala kase ako ee.
nung mahawakan ko kamay ni KWAN.
ang lamig kase e, tapos nanginginig pa kaming pareho.
wahaha. XD
baliw ako.
baliw sa pag-ibig. ♥


kahit na sobrang lungkot.
masaya naren ako kase may iilan pading nakaka isip na ang diwa nitong araw na 'to e yung kapanganakan nung nagbuwis ng buhay Niya para tayo ay maligtas!
tapos pangalawa nalang si KWAN. hihi

nakakasawa na din ang pag correct ko sa mga ka chat ko sa fb at mga nag wo wall post ng 'x-mas'. sinabi na ngang wag alisin si CHRIST dun e.
asar a.





pero magiging okay din ang lahat.
Think positive (TP) nga raw sabi ni Brian e.
oo naman. saka pray lang. pray.
hooh! kaya ko 'to.
AJA. kasama ko si JESUS sa PUSO ko e.

o siya.
eto nalang sayo o! *APIR!

Thursday, November 4, 2010

Iba't ibang klase ng nag G-GM :)

Time out na muna sa madadramang BLOG.
Balik tayo sa nakasanayang uri ng BLOG ni Rasheng.

Pag gising ko nanibago ako,
wala kasi akong nareceive na text kahit isa.

Namiss ko tuloy yung mga GM nila.
Iba-iba yun e.

Ito yung iba, o baka makarelate ka.
Kung tamaan ka naman, bawal magalit kasi guilty. :)


1. Mr. Kamatayan
- walang sawa sa pagdedeklarang "Lahat tayo'y mamamatay."
ewan signature na ata ng GM niya yun e. Gusto pa mauna kami. anubayan!

2. WALLPOST?
- lahat ng ginagawa niya g-gm niya.
parang lagign sumasagot sa tanong na "what are you doing today?"

3. LAHATEXT (mayaman)
- kahit magkaiba kami ng network, todo GM padin siya. Bongga!

4. PAULIT-ULIT?
1st meaning - na gm na niya yung quote na yun kahapon, bukas g-gm niya uli yun, tapos pag naisip niya yun ulit, g-gm niya ulit yun sa susunod na magload siya. haha

2nd meaning - dalawang beses kung magpadaan ng GM. (the same GM at a time)

5. Mr. / Ms. Manloloko
- mag sesend siya ng "hi" o kaya "kain na." , pero wag ka, GM pala yun, wala naman nakalagay na 'GM'.

6. HANGGANG SALITA LAMANG
- super bongga ang panghahamon ng "sino pwede katext?" o kaya "hanap katext" tapos pag nireplayan mu na, di naman na magtetext! Biset!

7. Some Text Missing
- kung mag GM laging 2 SMS, kaya laging na sa-'Some Text Missing'.
meron naman ganito kasi buo siya magtext. as in walang shortcut na word.

8. False Alarm
- mag GM ba daw ng mga urgent big announcements PERO palya naman. Mali pala ng interpretation o pagkakadinig.

9. OWN WORLD
- GM siya todo to invite you to come over sa mga aktibidades niyang wala ka namang kinalaman, wafakels ka naman.

10. Showy Masyado
1st meaning - para lang pala sa iisang tao yung message G-GM pa niya
2nd meaning - todo emote sa mga quotes na ipapadala niya

11. Ma-Dekorasyon / Malandi ang Text
- hindi nakokontento sa tuldok sa hulihan ng sentences, pati unahan lalagyan. At take note, lalagyan pa niya yan ng plus sign o kaya kuwit, o kaya tuldok kuwit. Hay kaloka!

12. JUAN TAMAD
- super (as in may super talaga dapat) shortcut text kaya di na maintindihan.
wag ka na magtext wala din kami naintindihan e.

13. DO I KNOW?
- mention siya sa GM niya to the highest leveling ng mga neymsung (name) na hindi naman namin kilala.

14. Every Moment, You we're there.
- kakambal 'to nung no. 2.
minuminuto syempre ang GM nito.
tapos palaging may load ata, o naka line na siya para walang humpay talaga. haha

15. Most Behave
- never in his/ her entire history nag GM.
malay naten walang distribution list CP niya o sadyang malihim lang talaga.

16. "IKAW NA!"
- oh!ver confident siya na maglagay ng signature na

(insert name here)- MAGANDA
SEXY (insert name here) #02
POGI AKO (insert name here)

ganyan!

17. UNFAITHFUL
- every several times a month, mag GM siya na ikagugulat mo,
"i2 n puh new # q, pki save nln. tnx! :)"
warning:
kadalasan nalilimutan pa nila ilagay sa text kung sinu sila.
Hulaan mo daw.

18. ALIEN
- sila tong mga kung tawagin ay JEJEMON.
alam mo na yan. tinatamad na ko mag explain e.





ayun.
marami pa yan e.
yan lang naalala ko.
add ka pa kung may alam ka pang ibang types nila, pangalanan naten.
dun mu ilagay o sa baba sa comment. :)


may she share ako sayo.
may nag GM na classmate ko sa number ni papa,
kung bakit sa number ni papa, ewan ko din.
pero natawa ako nung sabihin ni papa,

(hawak yung CP niya)
PAPA: "O, may mga ligaw na text o.."

haha

XD

loev you, pa.
IDOL!

Friday, October 29, 2010

'yung star.

noong unang bese pa lang na nakita ko 'yung bituin na 'yun, naisip ko agad, "gusto ko talaga siya".


hindi ko din inakala na aabot sa ganito.
di kasama sa mga pangarap ko ang ilang naganap.
pero anu pang magagawa ko?
una, tapos na.
pangalawa, ayoko nang lumayo pa.


tama bang isipin kong sana ay di ko nalang siya nakita o nakilala o
sana di nalang kami naging malapit sa isa't isa?
hindi ko nga naman makikilala ang 'sakit' na nararamdaman ko ngayon kung nanatili kami sa estadong "di nagkalapit".

pero di ko maiaalis na naging masaya ako.
masaya ako na kasama ko siya.
yung tawa nya
yung ngiti nya
yung titig niya
yung mga biro niya
mga text niya
yung boses niya
lahat.

pero bakit namin hinayaang umabot sa
yung yakap niya
yung mga halik niya
yung pakinggan yung tibok ng puso niya
yung amoy ng pabango niya
yung hiningang tila humihipan sa balat ko?
lahat.



mahirap nang umalis sa ganitong sitwasyon.
sana noon palang.
sana nalaman naming hanggang dito lang pala, noon pa lang
para sana di na ko lumapit pa.

minsan napapaisip ako.
ginamit lang niya siguro ako para sa pansariling kasiyahan niya.
di niya naisip na masakit ang ma-attach sa taong mahal mo ngunit di ka kayang mahalin tulad ng nararamdaman mo para sa kanya.


"gusto ko makadama ng pag aalaga."

sinabi niya yan sakin...
sinagot ko siya ng

"kung alam mo lang kung paanong gustung-gusto kitang alagaan...
pero sa nakikita ko, pinipigilan mo yung mga possibilities."

"natatakot na kong masaktan."

hindi ko lang masabing,
"hindi kita kayang saktan..."


pero nandito na,
kung sino yng nagmamahal ng totoo, siya talaga tong mas nasasaktan.

NASAKTAN NA 'KO.

Hanggang dito nalang.
pinipilit kong hanapin ang lugar ko sayo
gayogn alam ko namang hindi mo gustong maramdaman ang nararamdaman ko sayo.
PINIPIGILAN MO.


nakakapagod palang masaktan.

pst.
alam mo,
mahal na mahal kita.

saka,
ayun ulet.
mahal kita.

saka,
mahal kita.

ayun.


katangahan siyang pakinggan pero umaasa parin akong dadating ang araw na mahuhulog ka din, gaya ng bituin.

at alam mo kung anong gagawin ko?
syempre.

SASALUHIN KITA.

kaya di ako lalayo kahit ang sakit sakit na.


uy, nasabi ko na nga pala ba?
oo nga pala,

MAHAL KITA.

Tuesday, September 28, 2010

simulan mo, tatapusin ko. :)

simulan mo, tatapusin ko :)
by Rachelle Ramos on Saturday, August 14, 2010 at 2:42pm

huy.รถ

inaantay ko texts mo araw-araw.

hinahanap kita sa school pag pumapasok ako kahita alam ko wala kang klase.

naaalala ko yung amoy ng pabango mo parati.

napagkakamalan ko yung kung sinu sino sa paligid, na ikaw.

natutulala ako pag naiisip kita.

paulit ulit kong binabasa mga last text messages mo sa phone ko.

pabalik balik ako sa page mo nitong buong magdamag. (mga 20 times na ata)

bukambibig na kita ke utol. (confidante ko)

sinisilip ko yung kanto ng compound nyo tuwing papasok na ko sa school.

ini-imagine ko nalang yung ngiti mo, na nakakatuwa, haha.

kumakain nalang ako ng isaw para maramdamang kasama kita.

tumatawa nalang ako mag-isa sa mga joke mo na paulit ulit sa isip ko.



haydyusme!



namimiss na kita.



I DARE YOU TO MOVE. :)

Wednesday, September 22, 2010

A CIRCLE, I mean CYCLE.

Why do we choose to be attached to a person when we knew he'll probably leave too, someday? We give a part of our hearts and soul to them, cannot be retrieved. Maybe because we only think of what was important and what we want for the moment and forgetting, maybe setting aside, what will be it's effect in the long run.

A kiss is as exciting as your first day at school or first time receiving a gift; and we treated it as a sport, when we don't know that from that simple act, we get ATTACHED emotionally to a person.

We hurry down at romance when we aren't even sure of our commitment. And then cries "I can't be without him anymore.", after you fell apart.

We are in a CIRCLE.
it's a CYCLE that leads you running and running (and running) without even getting anywhere.
You connect.
You attach.
You broke up.
You connect.
You attach.
You broke up.

A CYCLE.


Whether it's with the same person or the other, it's still a CIRCLE; and it only hurts us much...


I guess the best way to be is (no, not to play safe) but to be attached to a person JUST when you know you were really ready for COMMITMENT.

a. BUILD FRIENDSHIPS along the way while getting busy with things you should be DOING first in your life.
b. STOP seeing the opposite sex ONLY as potential boyfriend / girlfriend.
c. WAIT for ROMANCE until both of you are really planning for MARRIAGE (commitment).
d. DON'T FELL TO FAST.
e. PRAY.


Obedience's reward is BLESSING.

Monday, September 6, 2010

ang sakit ha. :)

ako mismo. ako mismo ang pinalayas ng tanging tinatawag kong "home".
sinubukan kong kausapin siya. oo, nagbabakasakali akong may pagmamahal pa siya para sa akin, pero ako'y nagkamali, tsong. hehe

ang sakit pala.
all along akala ko di niya pa ako pinakakawalan, pero nagsawa na ata siya. natauhan na ba? hehe

namimiss ko siya.
ewan.
sa dami ng dumating. (patay na patay, ako ang patay na patay, nakakakilig, mga nagbalik na high school love affairs) pero ewan parang 'di katulad ng sa kanya.
di. di pa sure kung mahal ko parin kasi siya... pero iisa ang sure. wala pading makapagmahal sa akin tulad ng sa kanya.

home? parang ganun na nga.
i feel so at home sa kanya.
pero di naman siguro ibig sabihing siya lang talaga. o, ewan din natin. hehe

dadating pa ba yung tao na hinihintay ko, o siya na yun, napagod lang?

basta, ayun na yun. ang sakit ha. :)

-cheng's confession