Wednesday, November 25, 2009

espasyo

bago ako mag post ng blog na ito, nagbasa muna ako ng mga discussions at questions and answers na available sa google patungkol dito.
di. di ako humahanap ng idadagdag impormasyon. gusto ko lang malaman yung totoo.


ika dalawampu't apat ng nobyembre, nagyong taon, nagdisisyon akong manawagan ng "cool off" samin ng boypren ko. wala akong iba. wag mo ko agad husgahan. mahal ko siya. gusto ko lang ng konteng ESPASYO.

paulit ulit ko na nga lang sinasabi e.
"napapagod na ko". di ko lang sya magawang iwan, mahal ko e.
oo na, tanga na, pero naging tanga rin kaya sya.
nagulantang nalang ako nung sabihin rin nyang "napapagod rin ako, di lang ikaw".

nagkakapaguran na pala kaming pareho.

natural bang mapagod pag nagmamahal?
di ba dapat nga masaya ka pang gumawa ng para sa kanya nang di napapgod kase out of love nga?

di. mali.
napapagod kame sa away.
sa loob ng isang linggo, himala nang di magkatampuhan.
maliit na bagy.
malaki.
katamtaman.
sakto lang.
walang dahilan, meron.
di namen alam.
alam.

iba-iba.

sabi ko, "pagsubok to a.."
ayaw ko sumuko, pero pwede naman yung "break time" diba?
di naman siguro cheat yun.

di lang dahil sa pagod na.

magkalinawan.

"nakikita mo lang ang totoo mong nararamdaman sa isang tao kapag nawala sya."

kaya lang ume-epal naman tong..

"absence makes the heart grow fonder."

wew! ewan.
basta. ang alam ko, gusto ng pahinga.
charge muna nalobat na e.
pagbalik ko, hah! an lakas ko na ule.


yun na nga.

pagbalik.

pag bumalik ba, may babalikan pa ko?
panu kung may nahanap bigla yung isang to ng iba?
may laban pa ba ko?
kasasabi ko nga lang nga naman, "wala munang pake alamanan."
hoy,rasheng! anu nga naman bang pake mo?! ayaw na nya e! manahimik ka na.

di naman talaga ako aalis e.
diba sabi ko, "di naman ako mawawala e, andito padin ako."
and once again, once more, "gusto ko lang ng pahinga."
kelanagn mu rin kaya yun. pagod ka din diba?

hihintayin pa ba nya ko?
kase sabi nya, "you're free."
patay tayo dyan. sumuko na ata.

paano na?
ano pa tong inaayos ko, kung wala na pala akong babalikan?

hala. anak ng sanlibong putakte naman o! sabi ko naman
"babalik ako" e.
ayaw mo na?

mahal ko sya.
mahal rin nya ko.
sana magka hintayan pa.

ayokong tapusin to.
kaya nga ang hiningiko "cool off" e. ibig sabihin, ayokong tapusin.
kase kung gusto ko, sana diniretso na kita,
"ayoko na, itigil na naten!"

diba?

di ko alam anung magandang pantapos dito e.
siguro kase wala pa ngang ending.

sabihin nalang naten part 1 palang to.
on process pa part 2.

abangan nalang naten.
ako ren e, naghihintay, nag-aabang.








uy, boypren ko, namimiss na kita.

No comments:

Post a Comment