Friday, December 24, 2010




ngarag.

"...at hanggang sa huling ikot ng orasan, magtatama ang dalawang kamay, ngunit di kailanman mananatiling magkasama."

nito lang mga nakaraang mga linggo, hindi mabilang ang tawang umalingasaw sa bibig ko.
Hindi rin mabilang ang mga ngiting napahid sa mga labi naming mga kaibigan ko sa church.
Naisip ko, "ang saya pala."
makakailang album narin siguro ako ng mga alala naming, may tawang wagas at ngiting tagumpay, sa twing malulungkot siguro ako ay sisilipin ko.

natakot tuloy ako.
kase nasa gulong padin ako.
minsan masaya yan minsan hindi.

pagkatapos ng saya, dadating na naman ang lumbay.
natakot tuloy ako.
naisip ko ulet, "pwede ba hanggang dito nalang ako? ayoko na nung susunod e..."



ayan na nga.
ginulat na ko. di manlang nagsabi na dadating na siya, e nahihimbing pa ko sa kaligayahang walang humpay namin.
ipinaalala sa aming may mga limitasyon ang lahat.
at sa bansang sinasabi nilang malaya na'y nung mga oras na yun e bakit parang hindi.
sabi pa nga ni Jennylyn Mercado sa movie na Working Girls e, "...parang hindi naman..."

sumabay pa si KWAN.
ang saya saya ko na e.
Cloud 9, pare, maniwala ka.
tapos biglang,



BWAKANANG NAMAAAAN! XC


may kung anung bumulong na naman sa kakarampot kung utak.
"umalis na daw muna."

hala, hala.
takasan ko daw problema ko?
tapos ang paraan e, lumayas. haha
matatawa ba ako o malulungkot?


pasko na nag-iinaso (nag-iinarte) ako dito.
sa labas naririnig ko yung mga kapit bahay namin ngumangalngal sa videoke na nirentahan nila.
parang na tetemp tuloy akong lumabas at maki kanta
kakantahin ko yung paborito kong "Kiss Me".
tapos lahat sila napapa indak, mapapa hampas ng mga kamay, mapapapintig ng mga paa.
pero imagination ko nalang yung part na yun.

humingi nalang ako ng ispageti na pinapapak ng mga KUNGFU dun.
ano yung kungfu? (KUNGFUMULUTAN AY POWTEK!) ayan

kaya lang di ko nagustuhan e.
corn beef ang sinahog sa mahahabang hibla ng harinang minasa at hinulmang parang hibla ng buhok tapos nilagyan ng ketchup at hakdog. nahiya pa ko sa panghihingi. sy3t.

dito naman sa bahay e, katatapos ko lang magmakaawa ng 4 na oras sa kapatid kong, "ako naman mag fb, dali na... (nakanguso pa)"
paglayas niya, check na ako ng mga notipikasyon tapos bati ng "merry christmas c:" sa wall ng ibang nalimutan kong lagyan nung isang araw.
tapos nun, pini-em ko ex ko ng merry christmas, sumama pakiramdam ko't nalito sa Citizenship ko nang saglit nung sagutin niya naman ako ng "feliz navidad." napakanta tuloy ako.

tinatanong mo kung nasaan na yung kapatid ko?
ayun sa likod ko, pumapapak na ren ng ispageting, PARANG AWA MO NA sabay soundtrip ganito o:
NP: "LOSING GRIP" by Avril Lavigne
o diba? pampasko talaga awitin niya.
naisip ko ulet, "baka badtrip din kasi siya."

may namimiss naman ako.
yung tatlong maria.
CHERRYLYN , ALLYSA, KATRINA.
sa Sunday kita kita nalang ule ha. c:


kaw? anu background mo dyan?
e ulam nyo?
handa nyo ngayong pasko?


ang lamig pa.
parang gusto ko tuloy ng yakap. yii! landi ko. hehe
hug mo nga ako, dali na...

pagkatapos nitong blog ko, ita type ko pa pala yung "RULES AND POLICIES" ng youth na iniutos sa aking ipamigay kada youth sa Sunday.
dos pa naman xerox dito sa amin. bundok kase e.
ma, pengeng pampa xerox. praktisado ko na! YEAH!

maisingit ko lang, bakit kaya pag kinakabahan ako najejebs ako?
naalala ko lang kase bago ako mag EMCEE nung Christmas Party nameng Youth nung 22, ee talagang najejebs na ako. ~ nakakahiya wula.

kanina pala nanuod kame ni utol ng chick-flick ang title e, "SHE"S OUT OF MY LEAGUE"
maganda siya. not typical. pag pikit ko nga, nakikita ko padin muka nung bidang babae e.
harujuiceku. nakaka-obit e.
recommend ko panuorin nyo. pramis maganda.

nakailang ihi na ko?
ang lamig talaga ee.

ayun. balik tayo sa issue ko.
ayun nga. malungkot na naman.
siguro kasama na yung pagiging SMP ko, tapos pati naren yung problema namen ng mga katawanang-wagas kong youth.
tapos meron pa e. di ko lang mawari kung ano.


ang hirap maging leader.
lalo na't kung moral mo ang tinitingala.
mapupulaan ka kung di tama ang yong nagagawa.
naman o.
tao lang din ako't isa pa, kabataan. di mo maiaalis sa akin ang sa tingin ko nama'y napagdaanan din naman nilang matatanda. ehem.

hindi. hindi ako galit.
nagpapaliwanag lang. c:

buti nalang may blog.
wala lang. buti lang.



napangiti tuloy ako.
may naalala kase ako ee.
nung mahawakan ko kamay ni KWAN.
ang lamig kase e, tapos nanginginig pa kaming pareho.
wahaha. XD
baliw ako.
baliw sa pag-ibig. ♥


kahit na sobrang lungkot.
masaya naren ako kase may iilan pading nakaka isip na ang diwa nitong araw na 'to e yung kapanganakan nung nagbuwis ng buhay Niya para tayo ay maligtas!
tapos pangalawa nalang si KWAN. hihi

nakakasawa na din ang pag correct ko sa mga ka chat ko sa fb at mga nag wo wall post ng 'x-mas'. sinabi na ngang wag alisin si CHRIST dun e.
asar a.





pero magiging okay din ang lahat.
Think positive (TP) nga raw sabi ni Brian e.
oo naman. saka pray lang. pray.
hooh! kaya ko 'to.
AJA. kasama ko si JESUS sa PUSO ko e.

o siya.
eto nalang sayo o! *APIR!

Thursday, November 4, 2010

Iba't ibang klase ng nag G-GM :)

Time out na muna sa madadramang BLOG.
Balik tayo sa nakasanayang uri ng BLOG ni Rasheng.

Pag gising ko nanibago ako,
wala kasi akong nareceive na text kahit isa.

Namiss ko tuloy yung mga GM nila.
Iba-iba yun e.

Ito yung iba, o baka makarelate ka.
Kung tamaan ka naman, bawal magalit kasi guilty. :)


1. Mr. Kamatayan
- walang sawa sa pagdedeklarang "Lahat tayo'y mamamatay."
ewan signature na ata ng GM niya yun e. Gusto pa mauna kami. anubayan!

2. WALLPOST?
- lahat ng ginagawa niya g-gm niya.
parang lagign sumasagot sa tanong na "what are you doing today?"

3. LAHATEXT (mayaman)
- kahit magkaiba kami ng network, todo GM padin siya. Bongga!

4. PAULIT-ULIT?
1st meaning - na gm na niya yung quote na yun kahapon, bukas g-gm niya uli yun, tapos pag naisip niya yun ulit, g-gm niya ulit yun sa susunod na magload siya. haha

2nd meaning - dalawang beses kung magpadaan ng GM. (the same GM at a time)

5. Mr. / Ms. Manloloko
- mag sesend siya ng "hi" o kaya "kain na." , pero wag ka, GM pala yun, wala naman nakalagay na 'GM'.

6. HANGGANG SALITA LAMANG
- super bongga ang panghahamon ng "sino pwede katext?" o kaya "hanap katext" tapos pag nireplayan mu na, di naman na magtetext! Biset!

7. Some Text Missing
- kung mag GM laging 2 SMS, kaya laging na sa-'Some Text Missing'.
meron naman ganito kasi buo siya magtext. as in walang shortcut na word.

8. False Alarm
- mag GM ba daw ng mga urgent big announcements PERO palya naman. Mali pala ng interpretation o pagkakadinig.

9. OWN WORLD
- GM siya todo to invite you to come over sa mga aktibidades niyang wala ka namang kinalaman, wafakels ka naman.

10. Showy Masyado
1st meaning - para lang pala sa iisang tao yung message G-GM pa niya
2nd meaning - todo emote sa mga quotes na ipapadala niya

11. Ma-Dekorasyon / Malandi ang Text
- hindi nakokontento sa tuldok sa hulihan ng sentences, pati unahan lalagyan. At take note, lalagyan pa niya yan ng plus sign o kaya kuwit, o kaya tuldok kuwit. Hay kaloka!

12. JUAN TAMAD
- super (as in may super talaga dapat) shortcut text kaya di na maintindihan.
wag ka na magtext wala din kami naintindihan e.

13. DO I KNOW?
- mention siya sa GM niya to the highest leveling ng mga neymsung (name) na hindi naman namin kilala.

14. Every Moment, You we're there.
- kakambal 'to nung no. 2.
minuminuto syempre ang GM nito.
tapos palaging may load ata, o naka line na siya para walang humpay talaga. haha

15. Most Behave
- never in his/ her entire history nag GM.
malay naten walang distribution list CP niya o sadyang malihim lang talaga.

16. "IKAW NA!"
- oh!ver confident siya na maglagay ng signature na

(insert name here)- MAGANDA
SEXY (insert name here) #02
POGI AKO (insert name here)

ganyan!

17. UNFAITHFUL
- every several times a month, mag GM siya na ikagugulat mo,
"i2 n puh new # q, pki save nln. tnx! :)"
warning:
kadalasan nalilimutan pa nila ilagay sa text kung sinu sila.
Hulaan mo daw.

18. ALIEN
- sila tong mga kung tawagin ay JEJEMON.
alam mo na yan. tinatamad na ko mag explain e.





ayun.
marami pa yan e.
yan lang naalala ko.
add ka pa kung may alam ka pang ibang types nila, pangalanan naten.
dun mu ilagay o sa baba sa comment. :)


may she share ako sayo.
may nag GM na classmate ko sa number ni papa,
kung bakit sa number ni papa, ewan ko din.
pero natawa ako nung sabihin ni papa,

(hawak yung CP niya)
PAPA: "O, may mga ligaw na text o.."

haha

XD

loev you, pa.
IDOL!

Friday, October 29, 2010

'yung star.

noong unang bese pa lang na nakita ko 'yung bituin na 'yun, naisip ko agad, "gusto ko talaga siya".


hindi ko din inakala na aabot sa ganito.
di kasama sa mga pangarap ko ang ilang naganap.
pero anu pang magagawa ko?
una, tapos na.
pangalawa, ayoko nang lumayo pa.


tama bang isipin kong sana ay di ko nalang siya nakita o nakilala o
sana di nalang kami naging malapit sa isa't isa?
hindi ko nga naman makikilala ang 'sakit' na nararamdaman ko ngayon kung nanatili kami sa estadong "di nagkalapit".

pero di ko maiaalis na naging masaya ako.
masaya ako na kasama ko siya.
yung tawa nya
yung ngiti nya
yung titig niya
yung mga biro niya
mga text niya
yung boses niya
lahat.

pero bakit namin hinayaang umabot sa
yung yakap niya
yung mga halik niya
yung pakinggan yung tibok ng puso niya
yung amoy ng pabango niya
yung hiningang tila humihipan sa balat ko?
lahat.



mahirap nang umalis sa ganitong sitwasyon.
sana noon palang.
sana nalaman naming hanggang dito lang pala, noon pa lang
para sana di na ko lumapit pa.

minsan napapaisip ako.
ginamit lang niya siguro ako para sa pansariling kasiyahan niya.
di niya naisip na masakit ang ma-attach sa taong mahal mo ngunit di ka kayang mahalin tulad ng nararamdaman mo para sa kanya.


"gusto ko makadama ng pag aalaga."

sinabi niya yan sakin...
sinagot ko siya ng

"kung alam mo lang kung paanong gustung-gusto kitang alagaan...
pero sa nakikita ko, pinipigilan mo yung mga possibilities."

"natatakot na kong masaktan."

hindi ko lang masabing,
"hindi kita kayang saktan..."


pero nandito na,
kung sino yng nagmamahal ng totoo, siya talaga tong mas nasasaktan.

NASAKTAN NA 'KO.

Hanggang dito nalang.
pinipilit kong hanapin ang lugar ko sayo
gayogn alam ko namang hindi mo gustong maramdaman ang nararamdaman ko sayo.
PINIPIGILAN MO.


nakakapagod palang masaktan.

pst.
alam mo,
mahal na mahal kita.

saka,
ayun ulet.
mahal kita.

saka,
mahal kita.

ayun.


katangahan siyang pakinggan pero umaasa parin akong dadating ang araw na mahuhulog ka din, gaya ng bituin.

at alam mo kung anong gagawin ko?
syempre.

SASALUHIN KITA.

kaya di ako lalayo kahit ang sakit sakit na.


uy, nasabi ko na nga pala ba?
oo nga pala,

MAHAL KITA.

Tuesday, September 28, 2010

simulan mo, tatapusin ko. :)

simulan mo, tatapusin ko :)
by Rachelle Ramos on Saturday, August 14, 2010 at 2:42pm

huy.ö

inaantay ko texts mo araw-araw.

hinahanap kita sa school pag pumapasok ako kahita alam ko wala kang klase.

naaalala ko yung amoy ng pabango mo parati.

napagkakamalan ko yung kung sinu sino sa paligid, na ikaw.

natutulala ako pag naiisip kita.

paulit ulit kong binabasa mga last text messages mo sa phone ko.

pabalik balik ako sa page mo nitong buong magdamag. (mga 20 times na ata)

bukambibig na kita ke utol. (confidante ko)

sinisilip ko yung kanto ng compound nyo tuwing papasok na ko sa school.

ini-imagine ko nalang yung ngiti mo, na nakakatuwa, haha.

kumakain nalang ako ng isaw para maramdamang kasama kita.

tumatawa nalang ako mag-isa sa mga joke mo na paulit ulit sa isip ko.



haydyusme!



namimiss na kita.



I DARE YOU TO MOVE. :)

Wednesday, September 22, 2010

A CIRCLE, I mean CYCLE.

Why do we choose to be attached to a person when we knew he'll probably leave too, someday? We give a part of our hearts and soul to them, cannot be retrieved. Maybe because we only think of what was important and what we want for the moment and forgetting, maybe setting aside, what will be it's effect in the long run.

A kiss is as exciting as your first day at school or first time receiving a gift; and we treated it as a sport, when we don't know that from that simple act, we get ATTACHED emotionally to a person.

We hurry down at romance when we aren't even sure of our commitment. And then cries "I can't be without him anymore.", after you fell apart.

We are in a CIRCLE.
it's a CYCLE that leads you running and running (and running) without even getting anywhere.
You connect.
You attach.
You broke up.
You connect.
You attach.
You broke up.

A CYCLE.


Whether it's with the same person or the other, it's still a CIRCLE; and it only hurts us much...


I guess the best way to be is (no, not to play safe) but to be attached to a person JUST when you know you were really ready for COMMITMENT.

a. BUILD FRIENDSHIPS along the way while getting busy with things you should be DOING first in your life.
b. STOP seeing the opposite sex ONLY as potential boyfriend / girlfriend.
c. WAIT for ROMANCE until both of you are really planning for MARRIAGE (commitment).
d. DON'T FELL TO FAST.
e. PRAY.


Obedience's reward is BLESSING.

Monday, September 6, 2010

ang sakit ha. :)

ako mismo. ako mismo ang pinalayas ng tanging tinatawag kong "home".
sinubukan kong kausapin siya. oo, nagbabakasakali akong may pagmamahal pa siya para sa akin, pero ako'y nagkamali, tsong. hehe

ang sakit pala.
all along akala ko di niya pa ako pinakakawalan, pero nagsawa na ata siya. natauhan na ba? hehe

namimiss ko siya.
ewan.
sa dami ng dumating. (patay na patay, ako ang patay na patay, nakakakilig, mga nagbalik na high school love affairs) pero ewan parang 'di katulad ng sa kanya.
di. di pa sure kung mahal ko parin kasi siya... pero iisa ang sure. wala pading makapagmahal sa akin tulad ng sa kanya.

home? parang ganun na nga.
i feel so at home sa kanya.
pero di naman siguro ibig sabihing siya lang talaga. o, ewan din natin. hehe

dadating pa ba yung tao na hinihintay ko, o siya na yun, napagod lang?

basta, ayun na yun. ang sakit ha. :)

-cheng's confession

Saturday, August 14, 2010

Ang Lamig Naman Nitong Agosto.

Nung mga oras na bumalik si wolf at kinausap ako, 'di ako namili.

Wala na talaga 'yung dating nararamdaman ko para sa kanya... totoo nga, nanlalamig din ang pagsinta. natutunan ko nang wala siya kaya di na naging mahirap sa akin ang pakawalan siya. Matagal ko nang nagawa 'yun nung umalis siya. Wala rin naman siyang sinabing antayin ko siya pero ginawa ko 'yun ng halos kalahating taon. Nainip na ko kaya nagbukas na ako ng pinto para sa iba.


Bigla namang dating ni ö.

Wala akong dahilan para tanggihan siya kasi gusto ko naman din siya at the first place. Malinaw namana ang gusto namin nung umpisa, FRIENDSHIP. Pero ngayon parang unti-unting naiiba. Ewan.

Motto namin nga e, "Marami pang pwedeng mangyari". Ginagalang namin ang oras. di kami nagmamadali.


Pero ang di ko inaasahan ay ang paglayo niya. Pakiramdam ko kasi di ito pansamantala... Kahit na sinabi niyang "Di na MUNA ako magtetext, tutal di rin naman siya nagtetext sayo diba?" Umo-o lang ako pero di ko naintindihan yung essence ng mga sinabi niya. Di ko naitanong. Bigla nalang nanlamig siya, pagkatapos noon.


Iniisip ko kung inaalala niya ang pagiging magkaibigan nila ni wof kaya ganoon. Matagal na silang magkaibigan. Magkaibigan na bago ko pa sila makilala. Di ko rin naman gugustuhin kung masira ang pagkakaibigan nila, pero di ko rin ata kakayanin ang lumayo siya nang bigla.

Hanggang kelan ba ganito? Hanggang kailan ko kaya hihintayin na naman ang 'pagbabalik'? Paano kung mahuli na naman ang lahat? Kung siya rin naman ayokong mahuli ang lahat. sana di pa huli ang lahat. pero, kailan?


Nabanggit ko kay ö na sa November e sasagutin na si wolf ng nililigawan niya. Hindi kaya 'yun ang tyinityempuhan niya? yung panahong siguradong may nag mamay-ari na kay wolf? Sana. kasi august na nagyon, malapit na rin yun. hehe :)

Wala naman sanang sukuan, ö.

-cheng's confession

Sunday, July 25, 2010

Boy Bawang - Garlic Flavor


malamang!

magtaka ka kung 'yung Boy Bawang na 'yan e maglasang onion!
ta'enang 'yan! :)

Monday, June 7, 2010

COLD - free verse

thought i’d be fine and good.

And then some other time, i’d be not.

Memories kills me much,

and that promise that keeps me hanging on.

I ws never sure of this wait I have.

I’m never that contented with what had come.

I’ve seen the difference by soul, by heart.

So I’m stucked and put away, don’t know, so far.

It was sad, It was low and it was bad.

And the feeeling swaed from good to not.

All his kisses and words linger in.

And my heart forever he will win.

He promised he’d always be there.

but then when i come closer he slips away.

Cold, and different, is what he is now.

I’ve lost something never again be found.

Sunday, June 6, 2010

balang araw. hah!

oo masakit pa. pero di naman to magtatagal e.. yung matagal para sa ibang tao para sa akin saglit nalang to. konting tiis pa siguro tapos okay na ule..

hindi. hindi. hindi ko pa gustong pumasok na naman sa bagong koneksyon. kukuha na naman ba ako ng bagong batong ipupukol sa ulo ko? di na muna siguro.

siya? okay naman sya e. sa tingin ko. masaya naman sya sa ginagawa nya. sabi nga lang ng iba, mature ka na daw talagang mag isip kung pag mag desisyon ka e di nalang yung sarili mo ang iniisip mo, kundi pati narin yung iba't nakarrami. baka di pa sya mature mag isip. (tawa)


balik tanaw tayo. mga mag iisang taong nakalilipas. sinabihan nya ko ng "selfish ka".
ngayon naiintindihan ko na ang ikinikilos nya, sya pala tong selfish e, muntik na kong maniwalang ako lang ang selfish sa aming dalawa. pano sya naging selfish? e kasi naman inisip lang nya ang gusto't nararamdaman nya at a moment pagakatapos di nya naiisip kung anong epekto nun sa other party in the long run. parang eto ngayon, di nakatulong yung intimacy na naranasan ko e. tinanikala lang ako nang lalo.

pero gaya nga ng sabi ko, matatapos din to.
hah! balang araw.

naranasan ko na'ng mahalikan, humalik, mahawakan, makahawak, ma angkin, mang-akin, magtiwala, mawalan ng tiwala, makasira ng tiwala, maiwan, mang-iwan, makaiwan, magmahal, mapamahal, mag-alala, mag isip, mamlastik, maplastik, makakita, makitaan, at kung anu-ano pa. marami pa sa susunod kaya bubuuin pa ako ng experience. salamat nalang at bahagi sya noon.

pero di natatapos ang lahat doon pagka wla nya, sabi ko nga
balang araw.. hah!

sa ngayon, eto nalang muna. naghihintay din ako di ko sigurado kung sa kanya o sa ibang tao.
di ko alam kung anong susunod e. sinusulat palang ata ng Creator yung storya ko.

marami pala akong dapat ayusin sa sarili ko, kasama yun sa mga pagkaka abalahan ko. Di ako magpapalipat lipat sa iba ibang koneksyon pero iisa naman ang pag uugali. lolokohin ko langb ang sarili ko.

-cheng

Sunday, May 30, 2010

eto na naman. pamilyar to e.

ayan na naman.
pamilyar sa kin to e.
naramdaman ko na to dati, di ako pwdeng magkamali, eto rin 'yon.

itinulog ko muna saglit, pag gising ko ganun padin.
ikinain ko nalang, pagka ubos ko ng kanin nasa plato, ganoon padin.
pero masarap yung ulam, adobo.
isinulat ko ayun! lumabas din.

oo hayskul pa noon nung makilala ko siya.
hayskul. magkaklase kame.
di kame close e. pero kialla namin isa't isa.

ngayon, di na kami nagkikita pero pinag kokonek kami ng teknolohiya.

teka. hinay. kalma lang.

oh no! may nararamdaman ako.
ano to?

pamilyar to e.
alam ko ganito rin yung dati.
patay.

paano kung ako lang, hindi siya?
patay.

ito na naman.
naaalala ko kasi e.
tinamad na nga ako kontrahin e.

nagpadala nalang ako.
kaya lang damdamin ang armas ng kalaban ko (sarili ko).
sigurado...




TALO NA NAMAN AKO NITO.

Saturday, March 27, 2010

My First

February 17, 2010
I loved him.
I love it when he say my name, it almost sounds like he’s singing me a lullaby.
I love it when he tells me that he loves me, it was like I’m listening to flattering praises.
When he kisses me, it always felt like I’m the prize he won.
When he hugs me and pull me in, I feel so secure.
When he stays with me for once in my life I felt needed.
When I look into his eyes, it felt like I was peeking at the windows of his soul.
When he does things for me, it was like I’m the luckiest girl ever born.
When he listens to whatever I’m saying, he shows he cares.
When he smiles back at me, I could see creation far more beautiful than the sunrise.
When we’re apart, I almost imagine and mimic his actions of love because I miss him.
When he texts me even when I’m asleep, I feel important.
When he looks at me, it always felt like I’d melt in front of him.
By simply hearing his voice, blood rushes through my veins.
When he laughs, I could imagine wind chimes blown by the wind.
Even his frown appears like a charm to me.
When he walks towards me, it felt like my heart beats thrice a second.
When he sings to me, it was like a never ending serenade, over and over in my head.
When he speaks, he’s like the smartest person I’ve ever heard.
When he swings me to dance, I go back to the feeling of being cradled in my father’s arms.
When he protects me, it felt like my existence wouldn’t e in danger anymore.
When he asks a favor, it’s hard to resist and in some way I felt strong and capable.
Surprises, because of him, had never been this exciting for me before.
When he waits, it’s his way of telling me, ‘you’re worth it.’
When he and I are alone, I’ve never felt so at home.
When he tells me about his plans for us, he shows how he wanted to be with me forever.


But it wasn’t the same right now.
No one’s going to wait for me like he did.
I wouldn’t be expecting long text messages when I wake up in the morning.
Nobody’s going to say ‘I love you’ over and over again just to hear me say I do too.
Nobody’s going to hug me tight that almost lose my breath.
I would see him smiling back at me like before.
I would miss somehow how he’d whisper asking for a kiss.
I would miss how he’ll kiss and sniff through my hair though it smells no good at all.
I wouldn’t’ hear him singing to me his love song.
He wouldn’t protect me now as if my life was far more important than his own.
I would no longer feel his skin next to mine.
I would no longer be something extra special in his sight as before.
I would miss how he’ll somehow irritate me acting sometimes childish.
There wouldn’t be any surprises for me in store.
I couldn’t be able to see how his plans would be.
We wouldn’t lean on each other’s back anymore like we use to do before.
Later then I would find myself walking alone at the hall, downstairs, and on my way home.
Sometimes, I’ll even forget my phone. Not checking up on it from time to time like before.
I would also miss group messages, but actually meant for one person.
I’ll miss our misunderstandings and small fights.
It would maybe took for a long time for me to forget his number which I memorized the first time he texted me, one night.
I wouldn’t expect him remind me to take meryenda at school breaks.
I wouldn’t hear him mentioning me at the radio station we both listen to.
The scrapbook of ours would forever be the best confidante of our first few moments of love.
I could no longer visit him at their place at any time I want.
I regret not telling him how I love him enough before.
Our song wouldn’t make me smile now but of a sob.
Frequently, I would try to correct myself from calling him my ‘boyfriend’ to call him my ‘best friend’.
I would somehow miss how he’ll carry my bag and then act like a homo.
I’ll miss even his nails which he knew I almost memorized how it looked like.
I’ll miss his ways of reprimanding me.
I’ll miss how he’ll kiss my hair, my forehead, my eyes, my nose, my cheeks, my lips, and my chin.
I’ll miss his touch.
I’ll miss his eyes, his hair, his nose, his lips, his nape, his hands, his arms, his shoulder, his words, his laugh, his madness, his smile, his walk, his style, his songs, his ways, his surprises, his sacrifices, his help, his jokes, his sweetness, his being cariñoso, his breath on my face, his whispers, his sneeze, his heartbeat, his attention, and his love.
Maybe I’ll too had these all at the right time, but it wouldn’t ever be the same like how I had it with him.


Now it’s over.
Only time and God could tell what would happen next.
I was thinking of moving forward. Living a life. Forgiving. Forgetting.
Though it wouldn’t be so easy, I believe I was also dreaming of someday when I remember this, I would just laugh and say, “Ah! I’ve had it all.”
I could also see some good sides on having it easy part.
Me-time. Freedom. New Friends. Rest.
He’ll be forever a memory worth treasuring. A lesson worth taking. Start hat made me strong.
Maybe someone to be finally called as my “first love”.


“DIARY”
Acquaintance: August 29, 2009
Start: September 19, 2009
End: February 12, 2010
Forever in my heart ♥

Sunday, January 3, 2010

Nega-epeks ng Media and some modern technos, corrected!

Nanunuod ang isang average na tao ng telebisyon kada araw ng 4 na oras o kaya nama’y 28 hours sa loob ng isang linggo. At minimum na isang oras sa internet o 30 hours kada buwan. Dahil doon, maraming nakukuhang impluwensya ang nanonood o nag-iinternet mula sa media.
Dati pinapatigas ang mga damit gamit ng almerol pero ngayon, kapag tinanong kita sa kung ano ang ginagamit para mapalambot ang mga damit, sasabihin mong Downy imbis na fabric conditioner. Bakit? Kasi nga, ito ang itinuro na sayo ng media.

Hindi pinalampas ng media ang mga batang manonood.
Hindi maipagkakailang wala nang bata ngayon ang di nakapanood ng produkto ng Walt Disney. Nakalimutan na ang sariling atin tulad ng Batibot, Mathinik, Siniskwela, atbp. na nagtuturo pa nga ng mga araling pang eskwela. Teka, oo nga naman, mayroon naman kasing Dora the Explorer, Blue’s Clues, at Sesame Street. Hay, anu na namang tinuro sayo ng media? Colonial Mentality. E pati sarili nating wika nakalimutan mo na e.
Naalala ko tuloy ang kwento ng teacher namin nung high school.
May estudyante raw syang napaka slang at galling mag ingles. Limang taong gulang pa lamang raw yun e pero kung minsan, sa sobrang slang nung bata at galling mag ingles, kahit sya na professor sa kolehiyo ng asignaturang ingles ay di na maintindihan ang mga sinasabi nya. Naisip nya na baka kasi mga propesyonal ang mga magulang nito o kaya naman ay poriner. Pinapunta nya ang mga magulang nito at laking gulat nya ng makita na ang kanyang ama ay isang construction worker, at ang kanyang ina ay isang plain house wife na tapos ng high school! Hindi ko minamaliit ang mga gawain nila, pero, hello?! Mai-imagine mo bang magsipag inglisan ang mga yon sa loob bahay bilang regular na pag-uusap?
Tinanong nya ang bata at dito nya nalamang ito ay dahil sa kapapanood nya ng Spongebob Squarepants. Sponghang nagsasalita sa ilalim ng dagat at nakatira sa isang hugis-pinyang bahay.
Tsk.
Oo nga naman, naka translate na rin mga nick cartoons sa filipino ngayon.


Hindi rin nakatakas mga teenagers or adults sa media.
Anong itinuro ng media sa kanila?
San ba nakuha ng mga yan ang pagiging emo at liberate, illiterate, injustice, at unrighteous? Tumingin ka sa internet, sa telebisyon, kahit making ka lang sa radio, halos puro ka-imuhan at kung anu-ano nalang ang itinuturo. Magpakamatay daw, mag laslas, magalit nang magalit sa mundo kaya puro angst kabataan ngayon e, mag droga, makipag talik, mag rebelde, mag-away, maging makasirili, maging salot sa lipunan, magsinungaling, mambastos at maging bastos, mag mura, malungkot nang walang dahilan, maging tamad, maging pabaya, sumuko sa buhay, mag-ingay, manggulo, bumuo ng sariling pangalan na hindi naman katuwatuwa, magbigay ng lagay sa gobyerno or bribes, pati ibahin ang prinsipyo mo nagagawa nila, at marami pang iba.
Sa internet nalang, para kang mamamatay pag hindi mo na harvest yung tinanim mo sa Farm Ville nung isang araw e. sabihih mo nga, sino bang boss? Ikaw? O ang internet?

Sabi naman nang isang awitin, “one twenty one guns, throw up your arms give up the fight, you and I...” ayan, yayayain ka pang sumuko sa buhay nitong vocalist na tong may makapal na itim sa mata. Gusto mo nang pakamatay at sumuko? Mag-isa ka! Wag ka nang magsama ng iba! Biset!
Meron pang, “…you’ve got yours I’ve got mine I think I’m losing my mind, but why do I feel this way?” Ito namang isang ‘to, alam na palang taken na silang pareho, nag lulumandi pa. Ano naman turo nya? Adultery raw pwede. Aysus! Sasabihin pa nya, “…Catch me, I’m falling for you..” muka mo! Manahimik ka na lang dyan sa jowa mo!
Meron namang maganda nga ang lyrics itinago naman ni Satanas yung hidden agenda sa mismong spirit ng kanta. Oo, lahat ng musika ay may spirit. May laman. Kaya di mo man intensyong sundin ang mga sinasabi nila sa awitin, unconsciously, ginagawa mo na pala. Tsk. Disaster.
Halimbawa nalang nitong kantang ‘to na ginamit pa sa isang teeny-bopper film na High School Musical, “This could be the start of something new and it feels so right to be here with you…” oo, wala talagang mali sa lyrics nyan pero after backmasking, ito na narinig ko, “make us sluts, make us sluts, make us sluts… we want, we want, we want”. Hala! Anu raw?! Ano ba yan, parang wala talagang takas sa plano ni Satanas e! (pumatay, magnakaw, at sumira).



Meron din namang matitinong awitin. Don’t worry, di naman kita pinag babawalang making ng musika e. Importanteng isa alang-alang ang sumusunod:
1. Artist’s background, baka naman halata namang may pagka demonyo na itsura palang ng artist e, sige kinig ka pa din ng kanta nya!?
2. The song lyrics, tignan mo word by word kasi madalas mayos yung iba pero isang negative line lang na ipapasok sa kanta, the spirit maiiba na lahat! Tapos meron pang naiintindihan mo yung lyrics pero yung sense parang wala, hah! May ibang mensahe na yun! (i.e., Overdrive by Eraserheads)
3. The melody, pag masyadong maingay at di mo na halos maintindihan yung sinasabi, sigurado yun pre, may iba nang gustong ipasok ang kanta sa isip mo.
Konting help din sayo, based from a graduate of Conservatory of Music at a prominent school said that, “Nagsimula ang mga bad-spirited musics na yan sa genre na Rock.” Ibig sabihin tsong, madalas sa rock musics makikita mga kantang dapat iwasang pakinggan. Simple logic.  pero ingat din, matalino rin si Satanas, wag mong maliitin, pa improve nang pa impove tactics nyan makuha ka lang. Satanas: “Bwahahahah!”
Ako: “Greater is God who is in me than Satan that who is in the world”.












Isa pang media technique ay mga lovestories.
Akala mo siguro, lovestory lang naman to, light movie lang. yun ang akala mo!
Itinuturo ng mga lovestories na napapanuod o nababasa mo ngayon ang sumusunod:
1. Instant relationship; text, chat, etc.
2. Adultery
3. Sex without marriage / fornication / unwanted pregnancies
4. Same sex relationship
5. ‘love is a game’ principle (love game by lady gaga)
6. Rebellion against the family or the parents
7. Undignified treatment with each other’s body such as dirty sex (bj / hj)
8. Multiple-relationships (3 by Britney Spears)
9. Divorce / Annulment
10. Self-seeking love
At marami pang iba. Hindi naman yan ang tunay na meaning o lessons ng love e.
SEX = LOVE
Meron pang nag tuturo ng pagka-inlove ng tao sa halimaw! Tama ba namang mainlove tao sa bampira? At umibig sa taong nagiging aso sa hating gabi? Walangjo naman o.
Di ko sinasabing wag magbasa ng Twilight Saga Books o manood ng movies nito, ako rin kase nagbabasa rin naman for entertainment reasons / purposes, ang sinasabi ko lang, wag mong dalhin sa reality, neng at wag maniwala. Ask God for guidance and protection against these materials.
Tsk. Dami tuloy naliligaw ng landas. Tanging guide for true and righteous love ay si God. Read the Bible, man’s manual yun e. tsk. Daming di alam to a, maswerte ka’t nabasa mo ‘to.  saka mag pray na gabayan ka nya sa pagtahak mo sa landas ng pag-ibig. 



Ito ang tama when it comes to love, God’s way:
1. Kung single ka, ito ang mg dapat tandaan,
a. Courtship / ligawan stage – means getting to know each other stage, lalong wala muna dapat physical attachment na unnecessary, nagliligawan pa nga lang e. Dito rin malalaman kung compatible ang dalawa o sila ba talaga ang nasa plano ni God.
b. Dating stage – meaning, nasa second level na kayo ng courtship, pero ligawan padin yun! No unnecessary physical attachments paren. Di tuald ng mga artista o mga pinapakitang example sa media na “exclusively dating” lang, e nag ki-kiss at hug na!
c. Kapag may nagsabi sayo nang, “Ikaw, ang sinabi ng Lord na para sakin, tayo para sa isa’t-isa…” di totoo yun kasi, kung sinabi talaga ng Lord yun, bakit sayo hindi sinabi? Simple Logic. Kung kayo talaga, dapat pareho kayong sinabihan ni Lord! XD Di tayo ang gagawa ng paraan para maging tayo ng mga taong gusto natin, kasi pag nangyari yun, ‘di rin magiging masaya at di magtatagal, hindi talaga! Dapat si God magtalaga.
d. Di rin acceptable ang pag fe-first move ng mga babae sa lalake. Sa Bible parin tayo ba base, sino bang unang nilikha? Diba si Adan? At si Eba? BINIGAY SIYA NI LORD KAY ADAN. Eto pa, diba pinatulog ni Lord si Adan at hinugot mula sa kanyang tadyang si Eba, ang tanong, ginising ba ni Eba si Adan? XD wasak!
Kaya, girls, WAG GISINGIN SI ADAN! Kung talagang gusto mo ang guy, PRAY!  AND WAIT!  tapos boys, MAGSITULOG KAYO! May nilaan si Lord para sayo, kung di mo seseryosohin, wag mong umpisahan, di laro ang love! MAGHINTAY RIN!  IBIBIGAY NI LORD SAYO ANG BABAENG DAPAT SAYO . Hanapin ang kalooban NYA. Okay?
2. Kung in a relationship naman,
a. Boyfriend-Girlfriend Stage – kayo na nga, pero di pa kayo mag-asawa!  little physical contacts are un avoidable kaya wag pupupunta sa madidilim, sulok, at intimate places na kung saan mati-trigger ang physical attractions... Wag rin naman Public Display of Affections! Respect on the body means respect on the temple of the Holy Spirit. Ang Holy Spirit kasi nananahan sa katawan ng tao kaya respect it.
b. Lagi ring tandaang ang pagiging kayo ay nangangahulugan ng pag-aalaga sa isa’t isa. Ibinigay sya sayo para alagaan mo while hindi pa na mi-meet ng taong yan ang magiging husband or wife nya. (Kaya wag kang kumuha ng aalagaan mo kung di mo pa nga kayang alagaan ang sarili mo.  Simple Logic ulit). Wala dapat intimacy between you and your ka-relasyon dahil hindi mo masisigurong sya nga ang future mo at ikaw sa kanya. Gets?
Help each other to be pure, holy, and acceptable sa paningin ni God pag dumating na ang panahong haharap na sya o ikaw sa dambana. 
E kung kayo talaga til the end e mas maganda.  atleast na-reserve nyo isa’t isa para sa future, better days, at rightful times, for God’s sake and your selves too.
c. Pero na sayo parin. Dalawa lang naman pag pipilian mo e. God’s Way o yung World’s Way? Tandaan mo, si Satanas ang god of this world. The choice is ours.
“Life is a series of Choices, not a series of Chances.” Once a choice was made, you should know the consequences. Bihira nabibigyan ng Chances…

Pasensya ka na a, kung inaantay mo ang for married guidelines, wala e. Nasa 2nd stage palang kasi ako . (ayii.) Pero read the Bible, andun lahat yun . Isa lang alam ko, allowed na physical attachments basta’t sa asawa mo lang at sa asawa mo lang, at sa asawa mo lang. In short, isang tao lang. 

Pati online games at video games di pinalampas.
Sa amerika, may isang anim na taong gulang na batang lalake ang itinakas and sasakyan ng kanyang ama noong madaling araw, minaneho ng walong kilometro sa kalsada, at ibinangga bandang huli sa isang puno! Nang kausapin siya ng mga pulis at tanungin kung papaano sya natutong mag magmaneho’t gawin ito, isa lamang ang sinagot nya, sa Grand Theft Auto daw. Isang video game kung saan, mag nanakaw ang player ng mga magagarang kotse at papatay, mang gagahasa at mananagasa makuha lang ang gusto. Ano ba namang laro yan?! Parang Tekken lang e. tuturuan ang bata pano manapak, manipa, at kung anu-ano pang kabayolentihan sa mundo! Tsk. Kaya pala yung pamangkin ko pag nabubugnot nanghahampas at nambabato. Wasak!






Pati movies. Yari.
May movies na nagpapakilala ng witchcraft. May school pa nga daw for wizardry e (Harry Potter Series). Meron namang bumabaluktot ng katotohanang itinuturo sa Bibliya, at sisiraan pa si Jesus Christ (The Da Vinci Code). Tapos yun nga, yung may mga bampira (Twilight Saga). Marami pa. Maging mapanuri. Di sa ‘video effects’, ‘sound effects’, pati pagakakadirek o kung anu-ano pang teknikal na usapan, kundi sa kung ano ang purpose at mensahe at hidden agendas ng pelikula. Mas mahalaga ang epektong naidudulot ng mga bagay sa loob kaysa sa panlabas o panumandalian mong ikaliligaya. Humingi ka ng keen discernment kay God para malaman mo agad kung may mali sa pinapanood mo o wala. Okay lang manood, basta alam mo kung ano totoo at dapat mong paniwalaan.

“Wrong information’s always shown by the media…”, sabi pa nga ni Apl de Ap ng Black Eyed Peas, diba?

Mabuti naman ang media at teknolohiya e. Depende kung anong purpose. Dapat umiikot lang dito yan:
1. Inform
2. Entertain
3. Inspire / help
4. Educate
5. Share / broadcast
6. Positively economic purposes
7. Easier life / better life / faster jobs
-END-
Ayun. Leave comments and suggestions  I’m open for all insights.FB account ko XD stritfuds@yahoo.com
Tune in to 702 DZAS for wholesome but enjoyable music and discussions on AM Radio, and check channel 33, Manila line, to watch positive mind-setting segments and programs.
DREAM positive. THINK positive. DO positive. BE positive.
01.01.2010 / 01:25 pm